3 patay sa landslide sa Legazpi City

Legazpi City – Tatlo ang patay matapos ang magdamagang pag-ulan dahil sa bagyong Usman sa Legazpi City sa Albay.

Kinilala ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep ang mga nasawi na sina Marco Alegre, tatlong taong gulang; Mia Loreto, 20-anyos, at Mauro Alegre, 26-anyos at residente ng Purok 2, Barangay, San Franciso.

Ayon kay Daep, nasa labing tatlo ang nakatira sa bahay kung saan nasa ligtas na ring lagay ang 10 iba pa.


Sinasabing tinamaan ang bahay ng mga ito ng gumuhong lupa dahil na rin sa paglambot nito kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa magdamag.

Una nang inabisuhan umano ang mga ito na lumikas pero nananatili pa rin.

Facebook Comments