Ilan pang inmates ng BJMP Cauayan City, Nakatakdang Lumaya sa Enero!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang lumaya nitong nalalapit na buwan ng Enero ang ilan pang mga bilanggo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan City.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Jail Chief Inspector Atty. Romeo Villante ng BJMP Cauayan kung saan una ng lumaya noong December 1, 2018 ang nasa 38 na PDL’s ng nasabing bilangguan mula sa dating bilang na 247.

Umaasa naman ang pamunuan ng BJMP Cauayan na magbabagong buhay at hindi na gagawa ng mga iligal ang mga naunang lumaya.
Kaugnay nito ay idineklara na ng kanilang punong himpilan ang red alert sa kanilang nasasakupan para sa pagsalubong sa bagong taon at mabantayan ang mga naiwang nakapiit.
Samantala, inaasahan namang matatapos ang kanilang ginagawang bagong gusali sa susunod na buwan ng Marso subalit posible aniya na matatapos na ito sa Pebrero.


Facebook Comments