3 Patay sa pananambang sa Pikit North Cotabato

Patay ang tatlong mga mag-sasaka matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Sitio Dangeya , Brgy. Bulol sa Pikit North Cotabato pasado alas tres kahapon ng hapon.

Sa panayam kay Pikit Municipal Police Station Chief of Police PCapt Mautin Pangadigan kinilala nito ang mga nasawi na sina Maan Panangilan, 32, Undaya Abdulkadir 29, at Mohamed Ahad 28 anyos kapwa mga residente ng Rajamuda Pikit North Cotabato.

Sakay ng Kawasaki Bajaj 100 ang mga biktima ng paulanan ng bala mula sa Armalite Rifle at M14 ng mga di nakilalang armado.


Inaalam pa ng PNP ang maaring dahilan ng insidente.

Facebook Comments