Kawani ng MAGELCO sugatan sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat

Sugatan ang dalawang kawani ng Maguindanao Electric Cooperative matapos pagbabarilin pasado alas sais kagabi sa Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Sa report mula sa DOS PNP, kinilala ang mga naging biktima na sina Elcialyn Paguital, 34 anyos, Auditor ng Magelco at si Eduardo Longakit 45 years old, District Manager ng Magelco at kapwa residente ng Ummah Village, Brgy Upper Capiton.

Kapwa nasa ligtas ng sitwasyon ang mga sugatang biktima habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.


Facebook Comments