General Santos City—Tatlo ang patay matapos nanlaban sa pulisya kasabay sa inilusad na Buybust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit sa Diversion Road, Barangay katangawan, Gensan alas 12:00 kaninang tanghali.
Patay ang isang Rahimen Mariano Bisaya, legal age, residenti ng Purok Maguindanao, Barangay Lumakil, Polomolok, South Cotabato na syang target sa buybust operation, habang patay din si Bernie Agojar , residenti ng Polomolok at Abdul Rasim Odas, 18 years old, residenti sa barangay Apopong.
Batay sa pahayag ng RPDEU na Ginawa ang buy-bust operation sa junction ng barangay katangawan, kung saan nabilhan ang tatlo ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu. Matapos ng buybust umalis ang tatlo sakay ng isang truck na kulay itim pero silay hinarang ng pulisya para dakpin pero, bumunot ng baril ang mga suspek at pipaputukan ang mga pulis.
Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis at doon na natamaan ang tatlong lalaki na naging dahilan na silay binawian ng buhay. Napag-alaman na dinala pa sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang mga suspek pero, ideneklara itong dead on arrival.
Narekober mula sa mga suspek ang baril , bala at ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu. Napag-alaman na si Rahimen Bisaya ay kinokonsiderang High Value Target at kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga involved sa illegal drugs sa bansa .