3 pekeng job recruiters, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Kalaboso ang tatlong tao matapos malaman na sila ay mga pekeng job recruiters sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Irvin Garcia, hepe ng NBI anti-fraud division, peke ang iniaalok na trabaho ng mga suspek at ginamit ang pangalan ng kumpaniyang Cebuana Lhuillier.

Aniya, modus ng tatlo na magpost ng job opening sa isang job search site saka manghihingi ng pera para sa aplikasyon.


Paglilinaw naman ng Cebuana Lhuillier sa mismong website lang nila makikita ang kanilang job vacancy.

Payo naman ng Garcia sa publiko na maging maingat sa pag-aapply ng trabaho online at makakabuting dumirekta sa kumpaniyang gustong pasukan.

Posibleng kasi aniyang magamit sa identity theft ang mga impormasyong isinusumite sa online application.

Facebook Comments