Lolo na nagpanggap na empleyado ng city hall para mangotong, kalaboso

Bulacan – Hindi na nakapalag ang 73 anyos na lolo matapos arestuhin sa bisa ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Valenzuela City police sa Marilao Bulacan.

Ayon kay Senior Supt. David Poklay, Chief of Police ng Valenzuela City, inireklamo ang suspek na si Mario Perez matapos mangotong sa ilang nagpapagawa ng bahay sa lungsod.

Aniya, modus ng suspek na magpanggap na empleyado ng engineering department sa cityhall.


Maliban rito, sinabi ni Poklay na iniimbestigahan na rin nila ang kaparehong reklamo laban sa suspek sa Makati at Maynila.

Itinanggi naman ng suspek paratang laban sa kaniya habang tinutugis na ng mga pulis ang iba pang kasamahan ng suspek.

Facebook Comments