3 Personalidad kabilang ang High Value Target dahil sa Pagbebenta ng Ipinagbabawal na Droga, Natimbog

79

*Cauayan City, Isabela*- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya ang tatlong personalidad dahil sa droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Florendo, 35 anyos, walang asawa at Angelito Rivera, 32 anyos, walang asawa, kapwa driver at mga residente ng Solano, Nueva Vizcaya.


Nakumpiska sa pag iingat ni Florendo ang apat (4) na pakete ng pinaniniwalaang shabu, dalawang (2) phone, lighter, gunting at iba pang personal na gamit habang narekober naman kay Rivera ang sampu (10) pakete ng pinaniniwalaang shabu, buy bust money na nagkakahalaga ng P1000,00.00, dalawampu’t piraso ng shabu residue at ilan pang drug paraphernalia.

Samantala, dinakip din ng mga awtoridad ang isang lalaki na kinilalang si Albert Espidol, 37 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Bacarena, San Mateo, Isabela.

Nakumspika sa pag iingat ni Espidol ang tatlong (3) pakete ng pinaniniwalaang shabu, P1,000.00 na buy bust money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Facebook Comments