Lalaki, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga sa Jones, Isabela

64

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang lalaki matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba Brgy. Dibuluan, Jones, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Gerardo Jamito, 37 anyos at residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng Jones Police Station, dinakip ang suspek katuwang ang PDEA Region 2 matapos ang ikinasang buy bust operation na nagresulta ng pagkakaaresto dito.

Nakuha sa pag iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu, P1,000.00 buy bust money habang nakumpiska din ang kabuuang P1,050 na halaga ng pera ni Jamito at ilan pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments