Hermosa, Bataan – Arestado sa isinagawang oplan Paglalansag Police Operations nitong Martes ang tatlong suspects o persons of interest sa pagpatay sa konsehal ng bayan sa Hermosa Bataan na si Danilo Basi.
Pinangunahan ng CIDG Bataan ang mga operasyon sa Barangay Mambog, Hermosa, Bataan katuwang ang Provincial Public Safety Company at Intelligence Branch ng Bataan Police Provincial Office.
Sa ulat mula kay Bataan PNP provincial Director Senior Supt. Benjie Silo Jr. kinilala ang mga nadakip na sina ernesto Cabiling Jr., 36 anyos, punong barangay ng Barangay Mambog, Hermosa, Bataan; Xernan Jorg,e 32 anyos, residente ng Barangay Daungan, Hermosa, Bataan; at Emmanuel Rivera, 5 1 anyos, residente ng Barangay San Pedro, Hermosa, Bataan.
Ang mga nadakip ayon kay Colonel Silo ay pawang mga miyembro ng Cabiling Criminal Group na pinamumunuan ni Rex Cabiling na siya umanong nakaalitan ni Councilor Basi.
Si Rex Cabiling na ama ni Kapitan Enrico Cabiling Jr. ay kasalukuyan pang at large at pinaghahanap ng mga otoridad.
Nadakip ang mga suspect sa bisa ng warrant of arrest mula kay Judge Roline Ginez Abalde ng RTC branch 74 Olongapo City, Zambales.
Nakuha sa raid ang iba’t ibang klase ng baril at mga bala at isang piraso ng hand grenade.
Abril a beinte nueve ay pinagbabaril ng isang gunman si Hermosa Town Councilor Danilo Basi alyas Blade habang nagpapaani ng sa kanyang bukirin sa Barangay Mambog Hermosa Bataan.
1.3 million ang inilaang pabuya mula kay Governor Abet Garcia at Hermosa Mayor Jopet Inton sa sinumang makapagibigay ng impormasyon para madakip ang responsable sa pagpaslang sa nabanggit na konsehal.
DZXL558