Pagkakalat ng maling impormasyon ukol sa gulo sa Mindanao, pinapahinto ni Senator Villar

Manila, Philippines – Umaapela si Senator Cynthia Villar sa lahat na itigil ang pagkakalat ng mga hindi berepikadong impormasyon lalo na sa social media kaugnay sa magulong sitwasyon sa Mindanao partikular sa Marawi City.

Ayon kay Senator Villar, ang mga maling impormasyon ay magdudulot lang ng pagkakahati hati at panic sa publiko.

Dagdag pa ng senadora, ang mga maling reports ay walang maitutulong sa pagsisikap ngayon ng pamahalaan at ng ating militar na maibalik ang kapayapaaan at kaayusan ng sitwasyon sa Mindanao.


Giit ni Senator Cynthia, maging kalmado ang lahat habang kinokondena ang terror attack na ginawa ng Maute Group sa Marawi.

Mahalaga din ayon kay Villar na ipagdasal ang kaligtasan ng mga sundalo ay iba pang law enforcers na tumutugis ngayon sa mga naghahasik ng karahasan sa Mindanao.
DZXL558

Facebook Comments