3 Pinay, arestado sa Thailand

Thailand – Patuloy na tinututukan ngayon ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon ng 3 Pinay na inaresto sa Thailand.

Ayon kay Ambassador to Thailand Mary Jo Aragon, ang 3 ay arestado makaraang magsagawa ng fund raising para sa children’s charity sa harapan ng isang restaurant sa Pattaya.

Sa ngayon, sinabi ni Aragon na nakikipag ugnayan na sila sa mga otoridad duon upang mabisita ang 3 pinay sa bilangguan.


Tiniyak naman ng Embahada na bibigyan ng legal assistance ang 3.

Sinabi ng Bangkok Police ang 3 Filipina ay pumasok ng Thailand bilang turista at wala silang permit para magsagawa ng anumang fund-raising activities.

Facebook Comments