
Ligtas na napauwi ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pinay na na-trade sa Malaysia sa pamamagitan ng backdoor at pinilit magtrabaho bilang sex worker.
Ang tatlong pinay ay edad 30 hanggang 32 ay dumating sa port ng Zamboanga mula sa Sandakan, Sabah sakay ng MV Antonia.
Ayon sa Immigration bureau, ang mga biktima ay na-recruit sa pamamagitan ng social media at pinangakuan ng trabaho bilang waitresses sa Malaysia na may buwanang suweldo na P40,000 hanggang P60,000.
Subalit pagdating nila roon ay pinilit silang magtrabaho bilang mga guest relations officer (GRO) sa mga bar.
Dalawa sa mga biktima ang umalis sa Pilipinas noong Nobyembre 2024 sa pamamagitan ng back door kung saan naglakbay sila mula sa Palawan patungong Malaysia sakay ng maliit na bangka.
Nang makarating sa Sabah, dinala sila sa isang bar-restaurant kung saan sila nagtrabaho at naaresto ng mga awtoridad ng Malaysia dahil sa walang tamang working permit.
Binigyang diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na mapanganib para sa mga babaeng ang maniwala sa mga mapanlinlang at alok na trabaho ng mga sindikato.
Samantala, pinag-iingat ng Immigration Bureau ang publiko lalo na ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na maging maingat sa mga alok na pinabilis na proseso ng aplikason upang hindi mabiktima ng human trafficking.









