
Inanunsyo ngayon ng Philippine Statistic Authority o PSA na lalo pang bumagal ang antas ng paggalaw ng pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa para sa buwan ng April 2025.
Ito ay batay sa pinakahuling inflation report ng PSA.
Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registar General ng PSA, naitala para sa April 2025 ang inflation na 1.4 percent.
Paliwanag ni Mapa, mas mabagal ito sa buwan ng Marso 2025 na nakapagtala ng inflation rate na 1.8 percent.
Kabilang sa mga pangunahing nakapag-ambag sa inflation rate para sa April 2025 ay ang: food and non alcoholic beverages gaya ng bigas, talong at galunggong, at ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Facebook Comments