3 Pinoy hostage sa Libya, nakauwi na matapos ang 10 buwan

Photos from Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.'s Twitter

Nakalaya at nakauwi na sa bansa nitong Sabado ang tatlong Pinoy engineers na kinidnap at hinostage sa Libya, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagdating ng tatlo na sinamahan ng Ambassador to the United Arab Emirates.

Bukod sa sinagot ng DFA ang airline tickets pa-Manila, nagbigay din ang ahensya ng financial assistance sa kanila.


Nagpasalamat naman ang ahensya sa United Arab Emirates, Libya, South Korea, at iba pa na nakatulong sa paglaya ng talong Pinoy at isang South Korean na kasamahan nila.

Hulyo nakaraang taon nang dakpin ang tatlong Pilipino at kasamahan nilang South Korean sa project site ng Great Man-Made River Project sa Libya.

Facebook Comments