Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binibigyan nila ng tulong ang 3 Filipino tourists na nakulong sa Hong Kong.
Ayon kay Philippine Consulate General in Hongkong Antonio Morales, sinentensyahan ng five-month imprisonment ang 3 call center employees matapos ang kanilang “free Hong Kong tour” na nauwi sa scam.
Nabatid na nagtungo ang 3 sa Hong Kong noong October at nagbukas ng bank accounts sa Bank of China at Standard Chartered Bank gamit ang mga pekeng dokumento.
Duda ng mga otoridad gagamitin ng 3 ang mga nasabing fake bank accounts sa money laundering activity.
Sinabi pa ni Consul General Morales na matapos maghain ng guilty plea ang 3 sa two counts of “using a false instrument” hinatulan sila ng eastern magistrates’ courts ng 5 month imprisonment at inaasahang makalalaya na sa susunod na buwan.
Kasunod nito, iniulat ni Morales na patuloy ang pagbibigay ng in-kind support at legal advice ng konsulada sa 3 Filipinos.