Isa pang mag-aaral, nahulihan ng marijuana

Manila, Philippines – Isa na namang mag-aaral ng Arellano University ang inaresto matapos mahulihan ng bawal na gamot sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang Grade 11 student na si Justine Ramos na nagtangkang magpasok ng marijuana sa loob ng presinto ng pulis.

Ayon kay PO3 Avelino Guibao, nagsagawa siya ng inspeksyon sa mga bisita ng nakakulong.


Matapos kapkapan, nakita ang isang marijuana na nakabalot sa papel. Nabatid na isang barkada ang balak bisitahin sa kulungan ng nasabing mag-aaral.

Sa loob ng isang buwan, 4 na estudyante na ng Arellano University ang naaresto ng dahil sa ilegal na droga. <#m_-2247509941954636754_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments