3 pulis Datu Paglas sugatan sa VA sa Sultan Kudarat, Maguindanao

9

Ospital ang bagsak ang tatlong pulis ng Datu Paglas matapos maaksidente ang mga ito sa habang sakay ng TOYOTA HI LUX sa Brgy. Pigkalagan ng bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao alas kwatro ng hapon ng byrenes.
Kinilala ni COP Datu Paglas PSI Blain Lomas-e ang mga sugatang pulis na sina P02 Samsudin Dimapalao, PO2 Ernani Pacana at PO3 Diwata Usman .
Nagpapagaling na ang dalawang pulis subalit inilipat na sa DAVAO CITY si PO2 Pacana dahil sa nabaling buto nito sa kanyang kamay.
Magmula sa PRO ARMM Headquarters ang mga pulis ng madisgrasya, nagtangka sana silang mag overtake sa isang pang SUV ngunit hindi nagbigay ito resulta ng dirediretso ang mga ito sa puno ng gemilina.
Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ng Hilux ay naputol ang gemilina, dagdag ni Lomas- e
Kasalukuyang nagpapatuloy isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Facebook Comments