‘fafda’ tweet ng PCOO, nag-trending

Manila, Philippines – Naglabas ng memo si Presidential Communication Martin Andanar sa kanilang social media team matapos mag-viral ang screenshot ng tweet ng PCO na “fafda”.

Lumabas kasi sa official twitter account ng PCO, alas 1:07 Biyernes ng hapon ang “fafda” na agad ring nabura.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ‘accidental tweet’ ang “fafda” at isa sa kanilang social media administrators ang may gawa nito.


Aniya, wala naman anumang ibig sabihin ang tweet kaya agad din itong binura.

Pero bago mabura ang tweet na ‘fafda’, umani pa ito ng 21 retweets at 29 likes.

Nag-number 3 din ang #fafda sa Philippine trend sa Twitter.

Facebook Comments