3 Pulis na Nakapasa sa 2019 Bar Exam, Kinilala ng PRO2!

Cauayan City, Isabela- Kinilala ng pamunuan ng Police Regional Office 2 ang tatlong (3) pulis matapos maipasa ang bar examination na idinaos sa Metro Manila at maging ganap na abogado.

Kinilala ang mga pulis na sina PSSg. Rudy Amores Bandolin Jr, Special Investigation/Project PNCO ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office; PSSg Jeffrey Roy Raza Tolentino, Prosecutor ng NVPPO Internal Affairs Section; at PSSg Wilbert Hernandez, Intelligence Operative ng Santiago City Police Office.

Ayon sa pahayag ni PBGen. Angelito Casimiro, kanyang ipinagmamalaki ang tatlong pulis matapos makapagtala ng karangalan hindi lamang sa hanay ng kapulisan kundi sa kani-kanilang pamilya at kaibigan.


Giit pa ng opisyal, kahanga-hanga ang pagkapasa ng mga pulis sa pagiging abogado at tunay aniyang maraming pulis ang magagaling at madadagdagan na naman ang mga legal advisers.

Una nang inihayag ni PGen. Archie Gamboa na magbibigay ito ng P10,000 para sa mga pulis na nakapasa sa pag-aabogasya.

Kaugnay nito, asahan ang gagawing re-assignments sa mga pulis na naging abogado upang makatulong sa usaping legal ng organisasyon.

Facebook Comments