3 pulis na nakatalaga sa Sta. Rosa Nueva Ecija PNP at isang sibilyan arestado dahil sa kidnapping

941

Nahaharap na ngayon sa kaso ang tatlong pulis at isang sibilyan matapos kidnapin ang isang grab driver at pasahero nito.

Sa ulat ng PNP Anti-Kidnapping Group ang mga naarestong suspek na pulis ay kinilalang sina PSSg. Benidict Matias Reyes, PSSg. June Malilin, Police Corporal Julius Alcantara at isang Dario Aligan Robarios.


Habang patuloy na pinaghahanap ang iba na sina Police Master Sergeant Rowen Martin, PSSgt. Drextemir Esmundo, at sibilyang si Franklin Macapagal.

Batay sa ulat ng PNP AKG, July 20, 2021, isang Nadia Casar ang nag-hire ng grab driver na si alyas Mark para dalhin sya sa Sta. Rosa Nueva Ecija at makipag kita sa isang alyas Kelly na kalaunay kinilalang si Franklin Medina Macapagal.

Paabalik na ng Cavite ang dalawa nang harangin ng tatlong kalalakihang na sakay ng dalawang motorsiklo.

Si alyas Mark ay dinala sa isang safehouse at kinuha ang kanyang cellphone at cash na 4,500 habang naririnig nya ang isang suspek na kinakausap ang kanyang pasaherong si Nadia na kontakin ang kanyang pamilya para sa kaniyang ransom.



Kinabukasan, pinalaya si Mark kaya’t nakahingi ng tulong sa pulisya.

Nang tumungo si alyas Mark sa Sta. Rosa Police station namukhaan nya ang isang pulis na nasa larawan na naka-post sa lobby ng police station at sinabing isa rito ang dumukot sa kanila.


Dahil dito ilang larawan pa ang pinakita sa kanya at ilang pulis pa ang kaniyang itinuro na sangkot sa pagdukot.

Sa follow up operation, narekober kahapon ang labi ng kidnap victim na si Casar na binalot pa sa sako bago sinunog.

Narekober ang labi nito sa Sitio Pinagpala, Brgy. Imelda Valley Palayan City.

Facebook Comments