Barangay COVID free sa Pasay patuloy na nababawasan

23

Umaabot nalang ngayon sa 140 barangay sa Lungsod ng Pasay ang COVID free.

Batay ito sa datos ng Pasay City Information Office.


Sa kanilang datos nang mga nakaraang linggo umabot sa 171 barangay ang COVID free pero ngayong araw 140 barangay na lamang ito.

Ngayong araw may nadagdag na 39 na bagong kaso kaya umabot na sa 14,931 ang COVID cases sa Pasay, 149 dito ang active cases.

Good news naman dahil may naitalang 22 gumaling sa COVID ngayong araw sa Pasay kaya umakyat na sa 14, 384 ang recoveries sa lungsod.

Facebook Comments