3 Pulis na Sugatan sa Engkwentro, Ginawaran ng Medalya ni RD Casimiro!

Cauayan City, Isabela- Ginawaran ngayong araw ni P/BGen Angelito Casimiro, Regional Director ng Police Regional Office (PRO2) ang tatlong pulis na nasugatan sa nangyaring engkwentro sa bayan ng San Guillermo, Isabela.

Sa personal na pagbisita ni P/BGen Casimiro sa isang pribadong ospital sa Lungsod ng Cauayan ay iginawad nito ang medalya ng ‘Sugatang Magiting’ kina PCPL Edieboy Vinasoy, Patrolman Stephen Olosan at Patrolman Alfred Taliano na pawang mga miyembro ng 205th Manuever Platoon ng Regional Mobile Force Company.

Nagbigay rin ito ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga sugatang pulis.


Kaugnay nito, magtutungo rin ngayong hapon si PBGen Casimiro sa Lalawigan ng Quirino upang personal na bisitahin at makiramay sa pamilya ng nasawing pulis sa engkwentro na si Patrolmnan Henry Gayaman.

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong si Cauayan City Mayor Bernard Dy, Liga ng mga Barangay (LNB) President Victor Dy at Cong Inno Dy para sa tatlong pulis na nasugatan sa nangyaring bakbakan.

Facebook Comments