5th ID, TINAWAG NA SINUNGALING ANG CCP NPA!

222

Cauayan City, Isabela – ‘Sila ang sinungaling at manggagamit!’

Ito ang mariing tugon ni Major Noriel Tayaban, pinuno ng Divisions Public Affairs Office ng 5th ID, Philippine Army sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Ito ay bilang tugon sa statement ng Benito Tesorio Command ng CPP NPA na kumikilos sa bayan ng San Guillermo, Isabela kung saan inamin ng grupo na sila ang nakasagupa ng kapulisan at kasundaluhan sa nasabing bayan.


Ayon pa sa pangkat ng NPA, kanilang sinabi na desperado na ang kasundaluhan na mapuksa ang kanilang hanay kaya’t kung anu ano na umano ang ipinapalaganap nilang kasinungalingan na malapit na silang malipol.

Ayon pa kay Major Tayaban na ang NPA ang isinusuka ng mamamayan kaya’t sila’y  idinedeklara na bilang persona non grata at ang mga mamamayan na rin umano mismo ang nakikiusap sa mga militar na huwag umalis sa mga baryo.

Iginiit pa ni Major Tayaban na ang CPP NPA miso ang nagdudulot ng problema sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang pangingikil sa mga residente na kapag sila ay hindi napagbigyan ay pumapatay sila.



Sila rin umano ang may kagagawan sa pagpapasabog at panununog sa mga kagamitan ng mga negosyanteng hindi nagbibigay ng revolutionary tax.

Sa huli ay tinawag ang bagong hukbong bayan bilang biktima dahil sila mismo ay nalinlang din CPP sa maling paniniwala at ideolohiya.

 

Facebook Comments