Tatlong pulis sa Spain ang iniligtas ng hinahabol nilang grupo umano ng drug traffickers matapos magkabanggaan ang sinasakyan nilang mga bangka nitong Biyernes, Oktubre 4.
Ayon sa Guardia Civil, tinutugis noon ng mga pulis ang isang speedboat na lulan ang apat katao na hinihinalang may dalang mga droga.
Sa kasagsagan ng habulan, nagkabanggaan ang dalawang bangka, dahilan para mahulog sa tubig ang tatlong pulis matapos mawalan ng kontrol ang sinasakyan.
Isang police helicopter na umaaligid sa lugar ang nanawagan gamit ang megaphone sa apat na suspek na tulungan ang mga pulis.
Bagaman tinulungan ang mga pulis, inaresto pa rin ang mga suspek matapos madiskubre ang higit tatlong toneladang droga na nahulog sa dagat.
Facebook Comments