3 Remote Barangays sa Nueva Vizcaya, Tumanggap ng Financial Assistance sa DOST

Cauayan City, Isabela- Nagkaloob kamakailan ng financial assistance ang Department of Science and Technology (DOST) sa tatlong remote barangays sa Ambaguio, Nueva Vizcaya upang maiangat ang usapin ng kalusugan maging ang kalagayan ng ekonomiya ng mga nasa baryo.

Ayon kay Engr. Jonathan Nuestro, DOST Provincial Chief, nasa P450, 000 na halaga ng science and technology project ang ipinamahagi sa barangay Ammueg, Dulli at Camandag sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at Lokal na Pamahalaan ng Ambaguio.

Aniya, mula sa naturang pondo ay makapagpapagawa na ng portable water reservoir ang barangay Dulli para magkaroon ng malinis na maiinom na magbebenepisyo ang komunidad.


Bukod dito, gagamitin naman ng barangay Ammueg at Camandag ang ponding natanggap para sa livelihood project sa kanilang women’s organization.

Sinabi pa ni Nuestro na ang pondo ay galing sa ilalim ng Community Empowerment through Science & Technology (CEST) program.

Ang CEST program ng DOST ay layong maipakilala ang science and technology innovations upang mapalakas ang sitwasyon ng komunidad sa Cagayan Valley.

Facebook Comments