3 sa 5 Delta variant cases sa Calabarzon, Abril pa naitala

61

Umabot na sa lima ang kaso ng Delta variant na naitala sa Calabarzon, kabilang ang tatlong naitala noon pang Abril.

Ayon kay Department of Health (DOH) Region 4A Regional Director Eduardo Janairo, mayroong tatlong kaso ng Delta variant — 2 sa Cavite at 1 sa Batangas na naitala halos 3 buwan na ang nakalipas.


Habang nadagdag dito ang dalawang kaso na mula Calamba City sa Laguna na pawang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Middle East.

Noong Abril naman dumating ang tatlong naunang kaso sa rehiyon na sumailalim na sa quarantine bago pauwiin sa kanilang komunidad.

Ang dalawang kaso naman ng Delta variant sa Laguna ay mag-ama na may edad na 58 at 29 kung saan nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Facebook Comments