DOH-6, naghahanda sa posibilidad na may ma-detect na ibat’-ibang COVID-19 variants sa Western Visayas

11

Kalibo, Aklan — Naghahanda na ngayon ang Department of Health 6 sa posibilidad na may ma-detect na mga iba’t-ibang variants ng COVID-19 sa Western Visayas. Ito ay kasusond ng mga na-detect na variants of concern sa Antique, Guimaras at probinsya ng Iloilo. Ayon kay Dr. Adriano Suba-an, regional director ng DOH 6, na nag-coordinate na sila sa kanilang mga partners sa rehiyon para na mas pang mapalakas ang response capacity. Kanila ring inactivate yong response cluster at inihahanda ang mga equipment na kakailanganin ng mga hospital at public health facilities. Muli ring humingi ng suporta sa komunidad ang DOH-6 para labanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards.

Facebook Comments