Naniniwala ang tatlo sa bawat limang Pilipino na hindi dapat harangin ng gobyerno ang international groups na mag-iimbestiga sa mga pagpatay sa ilalim ng giyera kontra ilegal na droga.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 60% ang sang-ayon sa pag-iimbestiga ng international groups gaya ng United Nations sa mga umano’y pinatay na drug suspects dahil nanlaban.
Nasa 15% naman ang hindi pabor habang 25% ang undecided.
Katumbas ito ng +50 net agreement o “extremely strong” sa Mindanao.
“Very strong” net scores naman ang nakuha sa Metro Manila (+43), balance Luzon (+45) at Visayas (+42).
“Very strong” din ang nakuhang net agreement sa lahat ng socioeconomic classes.
Ang survey ay isinagawa mula June 22 hanggang 26 sa 1,200 respondents.
Facebook Comments