Ika-4 na SONA ni PRRD, generally peaceful

62

Naging mapayapa ang kabuuang State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP).


Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, hanggang alas syete ngayong gabi na-monitor ng PNP National Operation Center sa Camp Crame na generally peaceful ang buong bansa kaugnay sa ginawang SONA ng Pangulo.

Maging ang mga mass actions ng mga pro at anti Duterte ay naging mapayapa at wala silang na-monitor na major untoward incidents.

Pero mananatili pa ring alerto ang PNP para makaresponde pa rin sa anumang gulo o krimen.

Facebook Comments

From Advertisers