Anim na mga elemento ng 6th Infantry Division at isang sibilyan ang naging sugatan sa magkakahiwalay na insidente bunsod pa rin sa pambubulabog ng sinasabing mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa SPMS Box noong weekend.
Unang naitala alas otso ng gabi noong sabado matapos hagisan ng granada ang isang Army Detachment sa Brgy Labu Labu, Shariff Aguak na nagresulta sa pagkasugat ng isang sibilyan na kinilalang si Nassser Kusain, 19, na nooy napadaan lamang ng mangyari ang Explosion.
Samantala, pasado alas onse naman ng umaga ng linggo ng magsagawa ng clearing operation ang mga otoridad sa Highway ng Barangay Kuloy Shariff Aguak, 2 Improvised Explosive Device ang maswerteng narecover ng mga nagrespondeng EOD Team habang isang IED pa ang sumabog resulta ng pagkakasugat ng isang myembro ng Explosive Ordnance Division.
Agad namang nagsagawa ng follow up operation ang militar sa mga namataang BIFF resulta sa pagkakadiskubre ng isang Safehouse sa Barangay Malangog, Datu Unsay, Maguindanao na sinasabing pagmamay- ari ni Kumander Commander Bungos at Kadaffy Abdulatif. Nauwi sa halos limang minuto ang palitan ng putok ng militar at mga armado resulta ng pagkakasugat ng limang militar. Matapos ang engkwentro bumulaga sa mga kasundaluhan ang mga baril at IED ayon pa kay Cpt. Arvin Encinas spokesperson ng 6th ID.
Kinabibilangan ito ng 1 cal. 50 Barret type sniper rifle, 1 M16 rifle, 1 M14 rifle, 1 cal. 45 pistol, 2 IEDs (hand grenade type), 3 sako ng IED components, 1 ICOM antenna, assorted magazines, ammunitions at mga ther war materiel.
6th ID PICS