3 SAP Beneficiaries, 3 Iba pa Timbog sa Pagsusugal sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Dinakip ang anim (6) na katao na kinabibilangan ng tatlong (3) benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) matapos maaktuhang nagsusugal sa magkahiwalay na bayan sa Lalawigan ng Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), natimbog ang tatlong SAP Baneficiaries sa Brgy. Sta. Filomena, San Mariano, Isabela na nakilalang sina Merlina Ballesteros, 54 anyos, Lean Ramos, 26 anyos at Joseph Pontanos, 40 anyos at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Nahuli ang mga nasabing nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD nang respondehan ng PNP San Mariano ang natanggap na sumbong kung saan narekober sa lugar ang mga ginamit na baraha at pera na nagkakahalaga ng Php1,055.00.


Samantala, huli rin sa paglalaro ng ‘tong-its’ ang tatlo pang indibidwal sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela na kinilalang sina Merry Cris Salazal, 29 anyos, Jinky Banyaga, 23 anyos at Catalina Bulahan, 52 anyos na pawang mga residente rin ng brgy San Fermin.

Narekober naman sa kanilang pag-iingat ang mga baraha at pera na dalawang daang piso (Php200.00).

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal gambling ang anim na suspek.

Facebook Comments