Libong pamilya lumikas, 50 bahay nasunog dahil sa RIDO sa Pikit North Cotabato

Mahigit 50 mga kabahayan sa Pikit North Cotabato ang nasunog matapos magkasagupa ang dalawang grupo.

Sa impormasyon mula kay Tahera Kalantungan, DRRMO ng Pikit, mula sa mga Barangay ng Balongi, Balatikan at Nungu-an ang mga nasunugan.

Sinasabing mahigit isang libong pamilya rin ang apektado ng nangyaring gulo.


Anim na mga bangkay rin ang narekober sa lugar na pinaniniwalaang mga nagmumula sa naglalabang grupo.

Noong nakaraang linggo ng muling sumiklab ang matanggal ng hidwaan ng dalawang kumander sa Pikit. Sinasabing RIDO o away pamilya ang ugat dahilan nito.

Facebook Comments