3 sugatan sa nangyaring pagsabog sa Maguindanao

Maguindanao – Sugatan ang 3 indibidwal kabilang ang pulis at sundalo matapos tamaan ng sumabog ng improvised explosive device sa Upper Semba, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kaninang umaga.

Sa ulat ng PNP Maguindanao, alas- 7:20 ng umaga kanina nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station dahilan para agad silang rumesponde sa lugar.

Pero habang nasa lugar ay isa pang pagsabog ang naganap dahilan ng pagkasugat ng tatlong indibdwal.


Kinilala ng mga sugatan na sina PO2 Bobby Pendililang, na kabilang sa mga rumesponde sa pagsabog; Datu Pendatu Sinsuat, chairman ng Barangay Semba Dos, Maguindanao; at isang staff sergeant Cane na miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa Division Training School.

Inoobserbahan pa ang kondisyon ng tatlong sugatan matapos na tamaan ng shrapnel.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang responsable sa pagpapasabog.

Facebook Comments