3 sundalo ng 34th IB sugatan ng tambangan sa Midsayap North Cotabato

Sugatan ang tatlong miembro ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army ng sila ay tambangan ng tinatayang 20 armadong kalalakihan sa bayan ng Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon kay Lt.Col Angelo Lutera, commanding officer ng 34th ib dakong alas 10:45 ng gabi nitong Linggo ay sakay ng kanilang service vehicle ang tatlo at pagsapit sa barangay Nabalawag Midsayap ay dito na sila tinambangan.
Kinilala ang mga biktima na sina Cpl. Amino Dimasangka, Pfc. Mark Rommel Mahilom at Pfc Buenaventura Cavarles.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments