3 sundalo patay isa wounded sa magkakahiwalay na pamamaril na gawa ng BIFF

Tatlong sundalo ng 6th ID ang nasawi sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril. Unang naitala pasado alas onse kahapon ng umaga sa Sinsuat Avenue sa Cotabato City.
Kinilala ni Cotabato City PNP Director Col. Michael Lebanan ang nasawing sundalo na si SSGT Levi Ladrera, 44 anyos myembro ng Intel Unit ng 6th ID. Nagmomotorsiklo ito ng pagbabarilin ng riding in tandem criminals. PAsado alas 4 naman ng hapon ng paulanan ng bala ang Toyota Vios na sinasakyan ng 3 sundalo ng 57th IB ng 6th ID.
Dead on the spot sina PVT Junard Estribor at PVT Nelier Jhon Pinto . habang wounded naman si PVt Muktadr Sampulna.
Pinaniniwalaang mga myembro ng BIFF ang nasa likod ng pagpaslang sa mga sundalo ayon pa sa 6th ID.
DXMY Pics


Facebook Comments