Cauayan City, Isabela- Isang maituturing na malaking grupo ang minamanmanan ngayon ng PNP Cauayan at PDEA Region na pinaniniwalaang nag-susupply ng droga hanggang sa National Capital Region (NCR).
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakipag-ugnayan na ang PDEA NCR sa IPPO at sa lahat ng nasasakupan nito na magsagawa ng surveillance sa isang grupo na nagbebenta at nagsusuply sa kalakhang Maynila.
Nasa tatlong (3) malalaking indibidwal at grupo ng mga ito ang masusing minamanmanan ngayon ng kapulisan na kinabibilangan ng dalawang dayuhan at isang Pilipino.
Ito ay sa utos na rin ng PCapt. Elvin Ballesteros ng Special Operations Unit ng Region II na magsagawa ng mahigpit na pagmonitor sa kanilang mga drug targets.
Facebook Comments