Cauayan City, Isabela-Tatlong (3) kilalang supporter ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa bayan ng Mallig, Isabela kahapon, Abril 20,2021.
Nakilala ang mga ito na sina alyas Roy, Carlos at Mario na nagbalik-loob sa pamahalaan dahil nakita umano nila ang ginagawang pagtulong ng gobyerno sa kanilang lugar gaya ng medical at dental mission noong March 22 taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat ng PNP, sinasabing ang mga sumukong supporter ay nahikayat umano ng isang personalidad na natukoy na si Cita Managuelod na ginagamit ang isyu ng lupa na kinatatayuan ng mga bahay ng nasabing supporters upang labanan ang gobyerno.
Nakilala umano si Managuelod na miyembro at lider ng kilusang Peasant Consultant ng Regional White Area Committee 2 (RWAC2), Kilusan sa Lungsod at Sentrong Bayan (KLSB), Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) at Anak Pawis Party List na sinasabing nangunguna sa kaliwa’t kanang kilos-protesta laban sa gobyerno sa Probinsya ng Isabela.
Matatandaang idineklarang Persona non-Grata si Managuelod sa ilang lugar ng Isabela.
Maliban pa dito, boluntaryong isinuko ng isa sa mga supporters ang shotgun na walang serial number at bala kasama ang dalawang iba pa sa mga tauhan ng Regional Intelligence Unit, PIT Isabela at CIT Santiago (Lead Unit) kasama ang Mallig Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence ng Isabela Police Provincial Office.
Sa kasalukuyan ang mga sumukong supporter ng NPA ay nasa kustodiya ng Mallig Police Station para sa tamang disposisyon.