City of Ilagan, Isabela – Idineklarang dead on arrival ang isang tatlong taong gulang na bata matapos malunod sa Pinacanauan River sa Barangay Allinguigan, City of Ilagan sa oras na alas dyes ng umaga, March 31, 2018.
Nakilala ang bata na si Princess Kyla Mae Presa, tatlong taong gulang at residente ng Barangay Linglingay, Gamu, Isabela.
Sa ibinahaging impormasyon ng City of Ilagan PNP, inihabilin umano si Princess Kyla Mae ng kanyang ama sa tiyuhin nito upang kumuha ng kanilang pagkain sa bahay ngunit walang kamalay malay at hindi napansin ng tiyuhin nito na lumusob sa tubig at pumunta sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima.
Agad na rumisponde ang nakatalagang Rescue Team sa nasabing lugar at sinubukan pang isugod sa pagamutan ang bata ngunit hindi na ito umabot ng buhay.