3 TAONG GULANG NA BATA NASAGASAAN NG VAN SA GEN. LUNA, SURIGAO DEL NORTE

3 TAONG GULANG NA BATA NASAGASAAN NG VAN SA GEN. LUNA, SURIGAO DEL NORTE Nasagasaan ng kotse ang isang 3 taong gulang na bata sa Gen. Luna, Surigao del Norte. Kinilala ang biktima na si Enzo Ellaso Kuizon, 3 taong gulang. Ang nakasagasa ang kulay puti na Mitsubishi L300 Van na may plate number NP2954 na minamaneho ni Joseph Doria Boticario, driver sa Diocese ng bayan ng Gen. Luna. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, habang ang van ang nakaparada sa gitna ng basketball court sa Brgy. 1 Poblacion, Gen. Luna, naghihintay ang driver sa kanyang pasahero mula sa isang island tour, hindi niya namalayan na may bata na nakahiga sa ilalim ng sasakyan. Nang dumating na ang kanyang mga pasahero at sumakay sa van, sinimulan ni Boticario na paandarin ang makina, may sumigaw sa kanya ngunit nasagasaan na ng kaliwang gulong ng sasakyan ang batang nasa ilalim. Dinala kaagad ito sa Siargao District Hospital at ini-refer din sa Caraga Regional Hospital na kung saan iilang araw na naadmit. Ayon sa Chief of Police ng Gen. Luna na si Senior Inspector Joel Liong, sinagot ng Diocese ng GL ang gastusin sa pagpapagamot sa bata at pinakabagong impormasyon na nakuha niya, nakalabas na ito ng ospital.

Facebook Comments