JBC, naglabas na ng shortlist para sa nabakanteng posisyon sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Naglabas na ang Judicial and Bar Council o JBC ng shortlist para sa nabakanteng posisyon sa Sandiganbayan.

Kabilang dito sina Makati City RTC Judge Maryann Corpus-MaƱalac, Judge Raymond Lauigan ng Tuguegarao City RTC at Baguio RTC Judge Mia Joy Oallares-Cawed.

Kasama rin sa shortlist sina Dennis lawyers Patrick Perez, Perpetuo Lucero Jr. at Walter Ong.


Ang nasabing mga pangalan ay isusumite sa tanggapan ng Pangulong Duterte kung saan pipili ang presidente ng ipapalit kay yumaong si Associate Justice Maria Cristina Cornejo na binawian ng buhay dahil sa colon cancer.

Facebook Comments