Malapit nang ma-enjoy ng mga telco subscriber ang mobile phone number portability.
Sa ilalim nito, pwede nang magpalipat-lipat ng network ang isang subscriber na hindi nagpapalit ng mobile number.
Ang Globe Telecom, PLDT-Smart, at ang bagong ikatlong player na Dito Telecommunity ay magpa-partner para sa isang joint venture.
Pinili ng mga telco ang syniverse bilang mobile number portability service provider, kung saan ito ang magdadala ng technical infrastructure para sa pagpapatupad number porting services, at magsisilbing clearinghouse para sa tatlong telco.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11202 o “Mobile Number Portability Act.”
Nitong Hunyo, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio – na ang applications para sa lifetime mobile phone numbers ay pwedeng magsimula sa Enero ng susunod na taon.