17, patay sa “killer lambanog” sa Laguna at Quezon

Umakyat na sa 17 ang bilang ng nasawi dahil sa nakalalasong lambanog sa bayan ng Laguna at Quezon.

Sa naturang bilang, 12 rito ay mula sa bayan ng Rizal, Laguna.

Ayon kay Candelaria, Quezon Mayor Macario Boongaling – ang pang-apat at pinakahuling nasawi sa kanilang bayan ay kinilalang si Fernando Balmes Aguilar.


Magugunitang una nang ipinagbawal sa bayan ng Rizal ang pagbebenta ng lambanog makaraang lumabas sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) na may mataas na methanol content ito.

Facebook Comments