3 testigo laban kay former Senator De Lima, nais ibalik ng prosekusyon sa Bilibid

Nais ng prosekusyon sa natitirang drug case laban sa nakadetineng dating Senator Leila de Lima na ibalik sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang mga ito na nakatakdang tumestigo pa lamang subalit inilipat sa may Sablayan Prison sa Occidental Mindoro.

Ayon kay Caloocan Deputy City Prosecutor Darwin Cañete, layunin nilang maipresenta ang tatlo pang testigo sa huling illegal drug trading case laban kay De Lima.

Aapela rin ang prosekusyon sa korte na padaluhin sa susunod na pagdinig sa Setyembre 11, 18 at 25 ang naturang mga testigo.


Ang tatlong testigo na ito ay natukoy na sina Froilan Testrisa, Rodolfo Magleo at Jaime Patcho na kabilang sa 10 convicted witnesses laban kay De Lima na inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm.

Tiniyak naman ni Justice Spokesperson Asec. Mico Clavano na nasa ligtas at maayos na kalagayan ang mga ito bagama’t hindi pa isinisiwalat ang dahilan ng paglilipat sa mga testigong preso.

Facebook Comments