3 Tulak ng Droga, Arestado sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Natimbog ng mga otoridad ang tatlong (3) tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buybust operation ng mga operatiba sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang mga suspek na sina Ronaldo Alingog, 26 taong gulang, binate, residente ng Zone 4 Research, Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela; Angelo Bodollo, 20 taong gulang, walang asawa, residente ng Cabaruan, Cauayan City; at Joker Solda, 27 taong gulang, traysikel driver, residente ng Beverly Subd. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Una rito, nagsagawa ng drug buybust operation ang mga kasapi ng PNP Cauayan kasama ang PDEA Isabela na kung saan positibong nabilhan ng isang police poseur buyer si Alingog ng isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Nakuha naman sa pag-iingat ni Bodollo ang dalawang (2) piraso ng dalawampung pisong pera, isang lighter habang nakuha naman sa pag-iingat ni Solda ang dalawang (2) piraso ng ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, isang piraso ng lighter; isang Caliber 38 na baril na may limang (5) bala at isang traysikel na may plakang QH6541.

Agad na dinakip ang tatlong suspek at dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments