Pulis na suspek sa George Floyd case, hinatulan na!

Hinatulang “guilty” ng korte sa mga kasong murder at manslaughter si Derek Chauvin, ang pulis na dumagan sa leeg ni George Floyd hanggang sa ito ay malagutan ng hininga noong May 2020.

Sinasabing umabot ng tatlong linggo bago natapos ng 12 jurors ang pagkuha ng testimonya sa 45 witness sa itinuturing na “most high-profile US case”.

Sa ilalim ng Minnesota sentencing guidelines, si Chauvin ay nahaharap sa 12 at kalahating taong pagkakakulong bilang first-time criminal offender at maaari pang palawigin hanggang 40 years.


Hindi rin siya pinayagang makapagpiyansa.

Nagbunyi naman ang libu-libong mamamayan ng US na matiyagang nag-abang ng hatol sa labas ng courthouse.

Facebook Comments