3 Tulak ng Droga kabilang ang Isang Studyanteng Drug Surrenderer, Huli sa Magkakahiwalay na Operasyon sa Lambak ng Cagayan!

*Cauayan City, Isabela- *Timbog sa kamay ng kapulisan ang tatlong tulak ng droga na kinabibilangan ng isang studyanteng drug surenderer sa isinagawang magkakahiwalay na Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad dito sa lambak ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, natimbog ang disi otso anyos na studyante na si Alvic Battung na isang drug surenderee ng brgy Lemu, Enrile Cagayan matapos itong matiklo na muling nagbalik sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nakuha mula kay Battung ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at ang limang daang piso bilang marked money.


Samantala natimbog rin sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa lalawigan ng Quirino sina Ryan Melchor dahil sa pagbebenta ng isang sachet ng shabu at John Irving Alcantara dahil sa pagbebenta ng marijuana na pawang mga residente ng brgy. Ricarte Norte, Diffun, Quirino.

Nasa kustodiya na ng PNP ang mga nahuling suspek at inihahanda na ang kanilang kaso na Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments