UPDATE: Hot Pursuit Operation ng PNP Ramon laban sa Notoryus na Holdaper, Killer at Rapist, Patuloy Parin!

*Ramon, Isabela*- Patuloy pa rin ang isinasagawang Hot Pursuit Operation ng pamunuan ng PNP Ramon laban sa suspek na si Rolly Amayad Iguid na nanggahasa ng dalaga at pumatay sa kapatid nito kamakailan sa bayan ng Ramon, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Lord Wilson Adorio, nagsagawa na sila ng hot pursuit operation sa bayan ng suspek sa Paracelis Mountain Province at napag-alaman na kinalakihan na umano ng suspek ang pangho-holdap.

Una rito ay mayroon na umanonng mga dating kaso ang naisampa laban sa suspek at hinihintay na lamang umano ang kanyang mga Warrant of Arrest habang nasa tatlong kaso naman ang inihahanda ng PNP Ramon laban kay Rolly Iguid.


Ayon pa kay Police Chief Inspector Adorio, kanila rin umanong tinutugis ang isa pang suspek na kasama ni Iguid sa pagsasagawa ng krimen at pagnanakaw sa isang Computer shop sa bayan ng Ramon.

Dagdag pa rito ay nagpalabas na ang PNP Ramon ng Limampung libong piso (50,000.00) na gantimpala sa sinumang makakapagturo kay Rolly Amayad Iguid na umano’y nasa edad bente pataas.

Kaugnay nito ay nagpakalat na rin sa social media ang PNP Ramon na Mugshot ng suspek na kuha mula sa kanyang mga naunang kaso sa ibang lugar para sa agarang pagkakahuli ng suspek.

Facebook Comments