Batay sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Roberto Corpuz, 52-taong gulang, nakalista bilang Street Level Individual; Alex Mendiola, 33-taong gulang; at Nelson Orong, 32-taong gulang, at parehong Newly Identified Drug Personalities.
Sa Sta. Rosa, Bangued, ang suspek na si Corpuz ay inaresto ng mga operatiba ng Abra Police Provincial Office (PPO) matapos magbenta ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 0.13 gramo at tinatayang nasa P884 ang halaga.
Nang kapkapan na ang suspek ay tumambad sa mga otoridad ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu.
Samantala, sa Zone 7, Bangued, inaresto ng magkasanib na operatiba ng Abra PPO at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) -CAR ang mga suspek na sina Mendiola at Orong matapos magbenta ng tatlong (3) piraso ng cling-wrapped na naglalaman ng tuyong dahon, tangkay, at marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang 1,000 gramo at tinatayang nasa P120,000 ang kabuuang halaga.
Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa kustodiya ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Abra PPO para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang mga nasabing suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.