3 tulak ng droga, Nasamsaman ng milyong halaga ng Marijuana

24

Cauayan City, Isabela- Timbog ang tatlong (3) tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad bandang 12:10 kahapon sa pambansang lansangan ng Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang mga suspek na sina Mercedes Macaiba, Julius Bagtang, at Gilbert Bagtang.


Positibong nabili ng operatiba na nagpanggap na poseur buyer ang tatlumpu’t isang (31) marijuana bricks at 10 tubular marijuana leaves at stalks kapalit ang halagang P99,000 na buy-bust money.

Nakumpiska rin ang isang motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Tinatayang humigit kumulang 41 kilograms ngmarijuana bricks na may market value na mahigit P5,000,000 ang narekober sa mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.





Facebook Comments